Si pare problemado sa mga partners; di pwedeng ma-stress, magpuyat
PINAGPAPAHINNGA muna ng kanyang mga doktor ang isang sikat na pulitiko dahil lately ay nagiging masasakitin siya.
Noong mga nakalipas na buwan ay ilang beses na ring na-confine sa ospital si Sir pero pilit nila itong itinago sa publiko.
Nagkakagulo kasi ang kanyang mga pamilya sa kung sino ang magbabantay kay Sir, pero siyempre prayoridad dito ang orig na pamilya.
Dahil sa kanyang edad ay pinagbabawalan na ang ating bida na magpuyat at pinaiiwas na rin siya sa mga stressful na bagay.
Pati ang kanyang bisyong paninigarilyo at pag-inom ng alak ay bawal na rin, ayon sa kanyang mga manggagamot.
Marami rin ang nakapansin sa biglang pangangayayat ni Sir, at halatang meron siyang sakit bukod pa sa pagiging baluktot ng kanyang tindig na malinaw umanong kaso ng osteoporosis.
Minsan na rin siyang sumailalim sa isang bone operation dahil sa kanyang knee injuries ilang taon na ang nakalilipas kaya medyo naging maganda ang kanyang paglalakad, pero unti-unti na ring bumabalik ang kanyang paika-ikang mga hakbang.
Kung dati ay kilala siya sa pang-aasar sa kanyang nakalaban sa pulitika na may edad na rin, ngayon ay hindi na niya ito ginagawa makaraan siyang hamunin sa takbuhan ng nasabing matandang pulitiko.
Sa ngayon ay busy si Sir sa palipat-lipat na bahay dahil sa dami ng kanyang mga minamahal sa buhay.
Pero sinabi ng kanyang mga doktor na may masamang epekto rin ito sa kanyang kalusugan lalo’t iniisip niya kung ano ang magiging buhay ng mga ito sakaling bigla siyang kunin ni Lord.
Sinabi ng ating Cricket na pati ang kanyang mga partners ay pinoproblema ni Mr. Politician dahil tiyak daw na magkakagulo ang mga ito kapag may nangyari sa kanya lalo na sa kasalukuyang kundisyon ang kanyang kalusugan.
Ang pulitiko na naging masasakitin sa mga nakalipas na araw at pinagpapahinga muna ng kanyang mga doktor ay si Mr. E….as in El Presidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.