Kilalang loveteam pangsahog na lang, humina ang powers
KAILANGAN na raw kumilos ngayon ang mga nag-aalaga sa career ng isang kilalang loveteam.
Humihina na kasi ang kanilang karisma sa publiko.
Hindi na sila napapanood sa serye, may programa man sila ngayon ay hindi naman nila maaangkin ang kredito, dahil pangsahog lang sila sa marami.
Kung dati’y malakas na malakas ang panghila ng tambalang ito ay nakapagtataka namang biglang tumamlay ang kanilang loveteam. Nasaan nga ba ang problema?
Sabi ng aming source, “Siguro, akala lang nila, e, walang negatibong epekto ang kuwento na nang-isnab sila ng fans nila sa ibang bansa. May epekto ‘yun!
“Kumakalat na parang apoy ang mga kuwentong ganu’n. Maraming beses na kasing napapabalita na hindi sila masyadong nice sa mga fans nila, hindi maganda ‘yun, nakakaapekto ‘yun sa career nila,” sabi ng impormante.
Marami ring nakakapansin na sobra-sobra na ang mga ipinakikita nila sa publiko. Ang babae ay nagpakita na ng buo niyang katawan, selfie nang selfie, parang wala na siyang itinatago.
“Isa pa ‘yun, nawawalan na ng mystery ang girl, kasi nga, naipakita na niya pati ang wetpax niya sa mga pictures. Ano pa ang pag-iilusyunan sa kanya kung ganu’n na na-expose na ang lahat-lahat sa kanya?
“Ang lalaki naman, palaging nakikita kung saan-saan, nakikipag-inuman sa mga barkada niya, bumababa ang premium ng mga artistang palaging nakikita in public.
“Kailangan nang mag-isip ang mga managers nila, nakakatakot ang ganito, baka isang araw, e, talagang mawala na lang sila sa listahan. Nakapanghihinayang naman ang mga pinaghirapan nila, malaki na rin ang following nila, nakakalungkot naman kung bigla na lang mabura ang loveteam nila,” pahayag pa ng aming napapailing na source.
Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kayo pa ba naman ang maliligaw sa panghuhula kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwentong ito, kayo pa ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.