Payo kay Mega: Tigilan na ang pagdadrama sa social media para tumahimik ang buhay

SHARON CUNETA

SHARON CUNETA

NAKAUWI na si Sharon Cuneta mula sa mahaba-haba ring panahon ng pagpapalutang ng kanyang nararamdaman sa social media, nandito na nga ang Megastar, kailangan na kasi niyang magtrabaho.

Ngayong nakauwi na ang singer-actress ay wala na siguro siyang ilalabas na mga hinaing, ititigil na niya ang pagpo-post ng mga mensaheng nang-iimbita ng mga intriga, sana nga ay matapos na ang lahat ng mga binibitbit niyang sama ng loob.

Ganu’n kasi kapag malayo tayo sa ating mga minamahal, kung anu-ano ang ating naiisip, sa kawalan pa ng magagawa ay nauuwi pa ‘yun sa paglalabas ng lungkot na hindi naman lahat ay makauunawa.

Sobra pa sa wastong edad si Sharon, sana nga ay tantanan na niya ang pagtutok sa social media para maglabas ng kanyang mga hinaing, gamitin na lang sana niya ‘yun sa mga kuwento tungkol sa nagaganap sa kanyang shooting at taping na siguradong ikatutuwa ng kanyang mga fans.

Tama na ang pang-iimbita ng mga intriga, tantanan na niya ang paglalabas ng mga personal na pangyayari sa kanyang buhay, du’n lang niya mahahawakan ang tahimik na buhay sa likod ng mga camera na matagal na niyang pinapangarap.

Dapat niyang itama sa kanyang edad ang mga ginagawa niya, hindi na siya bumabata, kaya sana’y umaksiyon si Sharon Cuneta nang naaayon sa kanyang edad.

Read more...