Gilas Pilipinas ginulpi ang Vietnam

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
3 p.m. Malaysia vs Myanmar
5 p.m. Vietnam vs Singapore
7 p.m. Philippines vs Indonesia

HINABLOT ng Gilas Pilipinas ang ikalimang sunod nitong panalo matapos biguin ang nakatapat na Vietnam, 107-52, para manatili sa liderato kasalo ang kapwa nito walang talo na karibal na Indonesia sa ginaganap na 2017 SEABA Men’s Championship Miyerkules ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Pinangunahan ni Matthew Wright ang Gilas Pilipinas sa ginawang 19 puntos.

Nag-ambag naman sina Raymond Almazan at Calvin Abueva ng tig-16 puntos para sa Gilas Pilipinas na may limang players na umiskor ng double figures.

Ang panalo ng Nationals ay nagtakda naman sa matinding sagupaan nito ngayong alas-7 ng gabi kontra Indonesia na tampok ang dalawang naturalized players na sina Jamarr Johnson at Arki Wisnu na tuluyang pinayagan maglaro kontra sa tinalo nitong Myanmar, 123-50.

Read more...