NAIPAKILALA na ni Lovi Poe sa mag-inang Susan Roces at Sen. Grace Poe ang foreigner na nagpapatibok ng kanyang puso ngayon. Naganap ‘yon sa launching ng watch ng pamangkin niyang si Brian Llamanzares last week sa Bonifacio Global City.
“Nagkakilala sila during the launching of Brian’s watch. Good naman. Nagkasundo silang lahat agad.
“Sila Ate Grace naman, they’re very nice people. Wala namang mahirap sa kanila,” pahayag ni Lovi sa grand presscon ng kinabibilangang GMA telefantasya na Mulawin vs. Ravena, na ang tinutukoy nga ay si Chris Johnson.
Boyfriend na ba niya ‘yung guy? “Wala pa namang label. Ayoko pang lagyan. Hindi naman getting to know. We’re still both busy. Oo naman, siya ang nagpapaligaya sa akin ngayon,” rason ng Premiere Actress.
Sa MVR, bawal munang umiyak si Lovi. Bilang si Magindara, isa siyang immortal at sirena. Kaya naman hirap din siya lalo na’t kilala siya bilang magaling na drama actress.
“Nakaka-miss nga ‘yung dati kong ginagawa, ang pag-iyak. Pag malungkot kami sa eksena, bawal magpatulo ng luha! Nakaka-miss! Ha! Ha! Ha!” katwiran ng Premiere Actress.
First time niyang sumabak sa telefantasya at first time rin niyang magpatawa sa Regal movie nila ni Vhong Navarro na “Woke Up Like This.”
Masasaksihan na sa Mayo 22 ang pagiging Diyosa ng Tubig ni Lovi, kasama si Dennis Trillo bilang si Gabriel, ang magiging pinuno ng mga Revana.
Sa ipinakitang mga unang eksena sa MVR kung saan may special participation si Tom Rodriguez, winner na winner ang pagbahagi ng kuwento at ‘yung bakbakan sa ere ng mga taong-ibon ay kahanga-hanga, huh!
Nasa cast din ng Mulawin vs Ravena sina Heart Evangelista, Carla Abellana, Regine Velasquez-Alcasid, Ariel Rivera at Kapuso teen stars na sina Derrick Monasterio, Bea Binene, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Kiko Estrada, Dion Ignacio at marami pang iba.
Mula ito sa direksyon nina Dominic Zapata at Don Michael Perez at mapapanood na sa GMA Telebabad sa darating na Lunes, May 22 kapalit ng fantasy serye rin na Encantadia.