PLAYBOY! Yan ang tingin ng marami sa kontrobersyal na Presidential Son na si Baste Duterte, ang huling lalaking “nagpaiyak” kay Ellen Adarna.
Ang pagiging babaero rin umano ni Baste ang isa sa mga dahilan kung bakit lagi siyang pinagagalitan at hinihiya ni Pangulong Rodrigo Duterte on national television dahil napapabayaan na raw nito ang kanyang anak sa pagkabinata.
Kamakailan nga lang ay sumabog ang balita na pinagsabay daw ni Baste ang nanay ng kanyang anak na si Kate Necesario at si Ellen. Pero ayaw namang kumpirmahin ng sexy actress kung ito nga ang dahilan ng kanilang break-up.
Sa presscon ng first reality adventure travel show ni Baste sa TV5, ang Lakbai, sinabi ni Baste na huwag naman sanang husgahan ang pagkatao niya dahil sa kanyang lovelife, “Babaero? Yun ba yung impression niyo sa akin? Siguro dapat manood kayo ng show. Ayoko nang ipagtanggol ang sarili ko sa mga ganu’ng klaseng bagay.
“Basta manood na lang ng show and maybe may ma-appreciate kayo sa mga sinasabi ko, that will change your impression of me. Right? Ewan ko lang, ha. Bahala na kayo?” nangingiting pahayag ni Baste.
Lalo raw naging heartthrob ang image ni Baste nang maging pangulo na ang amang si Digong at mas dumami pa ang mga babae (pati matrona at bading) ang nagpapantasya sa kanya, “Ewan ko nga ba’t lumalapit sila sa akin!” sey ng binata sabay tawa nang malakas.
Hirit pa niya, “Ang sarap ng feeling. Pero wala naman talagang mga lumalapit sa akin.”
Mapapanood na ang Lakbai sa May 21, Linggo sa TV5 at umaasa si Baste na magugustuhan ng mga manonood ang show nila dahil kakaibang travel show naman daw ito.
Mas naging exciting daw ang pagbuo nila sa proyektong ito dahil mga kaibigan at katropa niya ang magiging co-hosts niya sa show.
Kabilang na rito sina Atty. Alexis Lumbatan, Sboi Malicay at ang YouTube sensation na si Bogart The Explorer.
Umamin naman si Baste na nahirapan talaga siyang magdesisyon kung tatanggapin ba niya ang offer ng TV5 na maging host ng Lakbai o hindi pero nagustuhan niya ang concept nito kaya umoo na rin siya.
Payag ba siyang umarte sa serye o pelikula? “Hindi ko pa naman yan naiisip kasi hindi naman ako marunong umarte.” Pero hirit ng anak ni Digong, “Siguro dapat yung talent fee ko, kung mag-a-act ako, siguro dapat napakalaki na iiyak ako sa laki, di ba?”