MRT3 4 na beses na nagkaaberya

MRT

MRT

Apat na beses nagka-aberya ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 ngayong araw.
Ayon sa MRT-3, alas-10:25 ng umaga ng unang magkaaberya ang operasyon nito. Isang tren ang nasira sa Shaw Boulevard south bound.
Nagkaroon ng technical problem ang tren dahilan upang pababain ang mga pasahero.
Ala-1:05 ng hapon naman ng huminto ang south bound train ng MRT sa Magallanes station.
Nasundan ito ng alas-3:37 ng hapon. Pinababa ang mga pasahero sa Quezon Avenue station south bound.
At muli alas-3:40 ng hapon. Nagkaroon ng technical problem ang tren kaya pinababa ang mga pasahero sa Ortigas Avenue station south bound.

Read more...