DEDMA lamang si Pangulong Duterte sa plano ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano na iakyat sa International Criminal Court (ICC) ang mga reklamo laban sa presidente matapos namang ibasura ng komite sa Kamara ang inihaing impeachment laban sa kanya.
“Yeah, he can go ahead. He is free to do it. This is a democracy. O ganun rin,” sabi ni Duterte sa isang press conference sa Davao City matapos dumating sa bansa mula sa kanyang biyahe sa Cambodia, Hong Kong at Beijing, China.
Kasabay, sinabi ni Duterte na luma nang isyu ang ibinabato ni Alejano laban sa kanya.
“Look, I was investigated by the Human Rights when (Sen. Leila) de Lima) was still the chairman.
I was investigated again when she was the Justice secretary. Then I was investigated again by the Senate and I was investigated again by the House. Ano pa bang gusto nilang…?” ayon pa kay Duterte.
Ito’y matapos namang ibasura ng House committe on justice ang impeachment laban kay Duterte.
“Some guys are being taken for a ride a thousand times over. Totoo ‘yang may namatay anak ng… Ano ba namang gera sa droga na walang namatay? Pero not in the character and kind that I was dished out ‘yung mag-utos ng ganun pati bata. Kalokohan ‘yon. Kilala man ninyo ako ako,” giit ni Duterte.
MOST READ
LATEST STORIES