Sana’y huwag ma-confirm si Ubial ng CA

MAGANDA ang nagagawa ng social media sa bayan dahil dito nababasa at nakikita ang mga pananaw ng ordinaryong mamamayan.
Marami ring nalantad na kawalanghiyaan ng mga nasa poder at mga taong maimpluwensiya sa social media.
Pero ginagamit rin ang social media sa paninirang puri.
Ang kaibigan kong si Rod Ongpauco, na nagmamay-ari ng popular na chain of Isdaan restaurants, ay naging biktima ng iresponsableng pagsusulat sa Facebook.
Isang nagngangalang Karen Phoebe Cruz ay sumulat sa kanyang Facebook post na ninakawan ang loob ng kanyang van na nakaparada sa Isdaan restaurant sa Gerona, Tarlac habang silang magkakaibigan ay kumakain sa loob.
Nag-viral ang post ni Cruz at nagkaroon ng 50,000 views.
Pero walang blotter sa Gerona police station na isang Karen Phoebe Cruz na nagsumbong dito.
“Mon, babayaran ko si Miss Cruz kapag napatunayan niya na nawalan siya ng malaking pera sa loob ng kanyang van pero lahat ng restaurant ang magsasabi sa iyo na hindi nila sagot ang pagkawala ng gamit sa mga sasakyan na nakaparada sa kanilang lugar,” ani Ongpauco.
Binura ni Cruz ang kanyang post matapos sumagot ang mga empleyado ng Isdaan-Gerona sa kani-kanilang individual accounts na pinagmumura sila ng babae nang siya’y nagreklamo ng pagkawala ng gamit sa loob ng van.
Pero hindi nagreklamo sa Gerona police station si Cruz at ang kanyang mga kasamahan.
Ito ang maipapayo ko kay Rod Ongpauco: Hayaan mo na si Cruz.
May kasabihan na kapag maraming bunga ang isang mangga ay binabato ito.
Maraming customers kasi ang lahat ng Isdaan restaurants.
Maaaring si Cruz ay isang paid hack.
***
Siyanga pala, nagpapasalamat ako sa aking mga bashers sa social media.
Really, genuinely grateful for giving me your attention.
Para akong nagkaka-orgasm kapag ako’y bina-bash ninyo dahil alam kong binabasa ninyo ako.
Ibig sabihin ay hindi pa ako laos bilang columnist at broadcaster.
***
Isasalang si Health Secretary Paulyn Jean Ubial sa Commission on Appointments (CA) bukas, Miyerkules.
Si Ubial ay isa sa dalawang controversial Cabinet members ni Pangulong Digong.
Si Environment Secretary Gina Lopez is the other controversial Cabinet member pero hindi ito na-confirm ng CA.
Very unreasonable ang di pag-confirm kay Lopez dahil siya’y matino at matapat na opisyal kaya’t maraming tao ang umalma.
Pero kung hindi din ma-confirm si Ubial, kakaunti siguro ang aangal.
Si Ubial diumano ay isang corrupt na government official dahil kahit noong siya’y assistant health secretary ay marami nang balita tungkol sa kanyang pagiging corrupt.
Dapat sigurong usisain ng CA kung bakit tinangkang pigilin ni Ubial ang dengue vaccination program pero umatras siya nang siya’y binanatan ng mga world experts on infectious diseases.
Isa lang ang dahilan kung bakit daw ayaw niya ng dengue vaccination: Hindi siya kikita.

Read more...