Impeachment vs Duterte ibinasura ng Kamara

IBINASURA ng House committee on justice ang impeachment complaint na inihain ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Duterte.

Sa botong 42-0, idineklara ng komite na pinamumunuan ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na insufficient in substance ang reklamo.

Hindi nakaboto si Alejano at Albay Rep. Edcel Lagman dahil hindi sila miyembro ng komite.

Pumasa naman sa porma ang reklamo bagamat marami ang kumuwestyon dito dahil nakabase ito sa mga “tsismis”.

Hindi pumasa ang reklamo dahil wala umanong personal na kaalaman si Alejano sa nakasaad sa kanyang mga alegasyon laban sa Duterte kaugnay sa pagpatay umano ng 1,424 katao ng Davao Death Squad.

Nagbanta naman si Majority leader Rudy  Farinas na posibleng maharap si Alejano sa kasong perjury o maireklamo sa committee on Ethics dahil sa paghahain ng reklamo na hindi beripikado.

“I am warning you that you may be subjected to ethics case here because you are stating under oath na hindi naman pala totoo ang verification nyo,” ani Farinas na nagsabi pa na ginagamit ni Alejano ang komite para sa kanyang propaganda.

Nanindigan naman si Alejano na totoo ang mga alegasyon na kanyang inihain laban sa pangulo.

Read more...