Mocha Uson kinampihan ni Bb. Pilipinas Universe Rachel Peters: ‘Give her a chance’

PILvillafuerte-rachelI, Camarines Sur— Tila nakahanap ng kakampi ngayon si Mocha Uson matapos kabi-kabilang reaksyon ang inani nito nang itinalagang assistant secretary sa Presidential Communications Operations Office (PCCO).

Kung nega ang opinyon ni Binibining Pilipinas International 2017 Mariel De Leon, nagpahayag naman nang pagkampi ang bagong Miss Universe-Philippines Rachel Peters.

Ayon kay Rachel, lahat ng tao ay dapat bigyan ng chance, kesehoda kung ano ang naging nakaraan nito.

Ito ang kanyang naging sagot sa isang press conference sa Villa del Rey sa Camarines Sur Water Sports Complex (CWC) dito.

“Well, she hasn’t started yet. And so, I believe everyone should be given a chance. You cannot judge a book by its cover, (That is) something my parents taught me that is still in my mind,” pahayag ng beauty queen.

Anya makakabuting pagtiwalaan ang naging aksyon ng pangulo.

“We should trust in our President and trust that it’s he (who) knows what is best for our country.”

Ni-represent ni Rachel, isang Filipino-British model, ang Camarines Sur sa katatapos pa lang ng Bb. Pilipinas beuaty pageant.  Ang kanyang ina ay tubong Canaman, Camarines Sur habang ang kanyang tatay ay isang British national.

Naninirahan si Rachel sa Camarines Sur simula noong 2014, at tinutulungan ang  boyfriend na si Camarines Sur Gov. Miguel “Migz” Luis Villafuerte sa kanyang mga humanitarian work gaya nang pagbibigay ng mga relief goods sa panahon ng kalamidad.

Read more...