Coco mahihirapang patayin si Arjo Atayde sa Ang Probinsyan

ARJO ATAYDE AT COCO MARTIN

ARJO ATAYDE AT COCO MARTIN

Napakaswerte naman ni Arjo Atayde. Siguradong-sigurado na ang kanyang career hanggang sa mga unang buwan ng susunod na taon dahil sa ekstensiyon ng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Kahit ano pa ang mangyari ay kailangang buhay na buhay ang karakter ni Arjo sa serye, iikut-ikot lang ang kuwento, pero siguradong hindi pa rin masusukol ni Cardo ang matalik nitong kaaway.

Pero kabaligtaran ‘yun ni Arjo Atayde sa totoong buhay, napakalaki ng diperensiya, dahil napalaki siya nang maayos ng kanyang mga magulang.

Kuwento ni Sylvia Sanchez, ang kanyang dakilang ina, “Sobrang layo ng character niya sa Ang Probinsyano sa totoong buhay. Ibang-iba dahil very responsible si Arjo, sweet sa aming lahat, napakalayo!

“Nu’ng pareho pa kaming busy, tatawag agad siya kapag malapit na silang mag-pack-up sa taping.

Aalamin niya kung tapos na rin ako. Pagdating niya sa bahay, sa bedroom agad namin ang tuloy niya.

“Nagkukuwentuhan lang kami tungkol sa mga pinagdaanan namin sa maghapon, pero naglalambing din siya kung minsan. Kailangan ko siyang ipagluto ng gusto niyang kainin.

“Naku, sa totoong buhay, e, hindi ako si Agot (Isidro) na puro problema ang pinagdadaanan sa anak niyang si Joaquin sa serye!

“Mabait ang anak ko!” tawa nang tawang kuwento ni Ibyang.

Read more...