May kalandian sa FB ang BF? (2) | Bandera

May kalandian sa FB ang BF? (2)

Joseph Greenfield - May 13, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Jheng ng Bagong Bayan, Malolos City, Bulacan
Problema:
1. May mabigat na problema po ako sa ngayon, nagka-break kasi kami ng boyfriend ko. Nahuli ko kasi siyang may ibang ka-text mate at ka-landian sa Facebook. Tapos nagalit ako, tapos siya pa ang malakas ang loob na nakipag-kalas sa akin. Siguro ko talagang may relasyon na sila ng babaing iyon.
2. Ang itatanong ko lang po kung magkakabalikan pa ba kami, mahirap pala na wala siya at nasanay na ako sa kanya. Kung sakaling hindi na siya magbabalik, may chance kaya na magkaboyfriend uli ako kahit na 29 na ang edad ko sa ngayon? November 1, 1987 ang birthday ko at July 30, 1986 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Jheng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing hindi kayo compatible ng boyfriend mong Leo, sa halip ang tunay na ka-compatible mo ay isang lalaking Cancer na sa kasalukuyan ay papadating pa lamang sa iyong buhay.
Numerology:
Ang birth date mong 1 ay nagsasabing bukod sa hindi kayo compatible ng ex-boyfriend mo sa Astrology hindi rin kayo compatible sa Numerology. Sa halip ang higit mong katugma at ka-compatible ay isang lalaking may birth date na 7, 16 o kaya’y 25.
Graphology:
Ang lagda mong mapangit ang simula, pero gumanda na rin sa gitna hanggang sa dulong bahagi ay nagsasabing sa ikalawang pakikipag-boyfriend habang buhay ka ng liligaya hatid ng isang lalaking may maganda at maayos na sulat kamay.
Luscher Color Test:
Upang suwertehin hindi lamang sa love life kundi sa lahat ng apesto ng buhay, laging gumamit at magsuot ng kulay na berde, dilaw at pula.
Huling payo at paalala:
Jheng ayon sa iyong kapalaran, hayaan mo ng mawala o tuluyan na kayong magka-break ng boyfriend mo, dahil ang totoo nito, tulad ng nasabi na, hindi naman talaga kayo tugm at compatible ng boyfriend mo. Kaya ang pinaka-the-best na magagawa mo sa ngayon ay hintayin mo na lang ang ikalawang lalaking padating na sa iyong buhay. Kung saan, nakatakdang dumating ang nasabing lalaki sa taon ding ito ng 2017 sa buwan ng June o kaya’y July, na nagtataglay ng initial na R.Y. kung saan, ang lalaki na ngang ito na mas bata sa iyo ang iyong makakatuluyan at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending