Nagmumurang boobs ni Kris Bernal pinagpiyestahan ng mga lalaki at tibo

KRIS BERNAL

KRIS BERNAL

PREPARASYON sa mas mapangahas na roles ang ginawang paglalantad ni Kris Bernal ng kanyang alindog sa isang men’s magazine. May kinahinatnan din ang pagpayag niyang maging cover matapos ang walong taon na panliligaw sa kanya ng magazine dahil maipakikita niya ito sa GMA afternoon series niyang Impostora na mapapanood na sa darating na June 12.

“Eh, kailangan kong gumawa ng leap sa aking career. Hindi naman kasi ako basta puwedeng lumabas bilang nanay. Hindi na rin naman ako bata dahil turning 28 na ako this May 17. Marrying age na nga eh, kaya I made this bold move,” pahayag ni Kris nang ipa-interview ng GMA Artist Center.

Dual role si Kris sa Impostora na malaking turn about sa dati niyang roles na pa-sweet, mahirap at api-apihan. ‘Yung isang eh, pakawala kaya hirap siyang i-execute ang magkaibang character.

Natanong din ang Kapuso actress tungkol sa reaksyon niya sa nalalapit na pagiging father ng dating ka-loveteam na si Aljur Abrenica.

“Nakausap ko siya siguro a month ago. Masaya siya. Parang may bagong challenge sa buhay niya at mas mabigat na responsibility sa kanya.

“Hindi siya nagsisisi kasi sabi niya sa akin, mahal na mahal niya si Kylie (Padilla). Talagang kung gagawa rin siya ng pamilya at gusto niyang makasama forever, it’s really Kylie naman talaga.
“Hindi ako umiyak! Eversince naman, wala kaming in-admit ni AJ na naging kami or something,” pahayag niya.

Eh, siya may boyfriend na ba? “May nanliligaw naman pero kasi may standards na ako, eh. Saka hindi na ako doon sa short term relationships. Pag alam kong sandali lang, hindi ko na ini-entertain.

“Ayoko na sa showbiz kasi pareho lang kaming nagri-rely sa pagiging artista. So pag nawala ang career ko, career niya, ano ang pagkakapitan natin? Mas gusto ko ‘yung mas stable at mas magpapaangat sa akin,” paliwanag ni Kris.

Sa mga nagtatanong kung totoo ang nagmumurang boobs ngayon ni Kris, totoo raw, hindi retokada!

Read more...