Osang patuloy ang paglobo ng katawan, dapat nang magpapayat

JANA AGONCILLO AT ROSANNA ROCES

JANA AGONCILLO AT ROSANNA ROCES

WE are not necessarily a rabid fan of Rosanna Roces when it comes to acting pero in fairness to the former Screen Goddess ay malaki ang in-improve ng kanyang pagganap.

Sa tagal nang ‘di namin nakitang umaarte si Osang—blame in on her screen exposure which occurs once in a blue moon —inabangan namin ang kanyang Maalaala Mo Kaya guesting initially because nakakagulat ang inilobo ng kanyang katawan.

Almost twice the size since the last time na nakita namin siya sa mga larawan.

Kung tutuusin, hindi isang major acting piece ang ipinamalas ni Osang sa kuwentong ipinadala ng anak ng karakter na kanyang ginampanan. Bordering on lunacy kasi ang kanyang schizo role.

Unlike the role ng isang baliw na sa totoo lang naman leaves hardly any room for challenge ay mas mapanghamon ang papel bilang schizo, ibayong alalay lang ang kailangan sa pag-arte so as not to overdo it.

In fairness, naitawid ni Osang ang kanyang papel. ‘Yun nga lang, marami ang nagsasabing hindi pa rin daw challenging ‘yon sa kanya as Osang herself—a self-confessed druggie—had found herself trapped in an almost schizo-like behavior many years ago.

Bagama’t para sa amin ay mataas ang kanyang grado sa mas mataas na level ng pagganap, Osang should be on guard sa kanyang physique. Ang sobra kasing inilaki ng kanyang katawan—literally bursting at the seams—would tend to distract any viewer na sa halip na mapanganga sa galing niyang umarte ay mapapalatak sa panghihinayang kung bakit napabayaan niya ang dating mala-diyosang katawan na minsang pinagpantasyahan ng mga barakong manonood.

Kung sa ganda ng mukha’y taglay pa rin naman ni Osang ang kanyang mapanghalinang aura, no doubt about that. Pero sa tulad ni Osang—and perhaps the only sexy star na nakatawid sa seryosong acting—who’s raring to do more TV as well as film projects, thus earning her keep without being dependent on her rich husband—ay kailangan niyang maging conscious with the way she looks and registers on screen.

Read more...