Ex-local gov’t exec di makaporma sa dating idol

MALAYO pa ang eleksyon pero nagsimula na sa kanyang pangangampanya ang isang dating local official sa isang lungsod sa Metro Manila.

Pagiging kongresista ang target ni Sir at hindi ang kanyang dating pwesto sa city hall.

Gusto man niyang muling balikan ang pwesto bilang vice mayor ay hindi na niya magawa dahil sa kakapusan ng pondo.

Totoo kasi ang balita na binitawan na siya ng dati niyang “idol” na ngayon ay nakaupo pa ring mayor.

Di naman niya ito pwedeng banggain dahil mas magiging malaki ang kakailanganin niyang pera sa halalan.

Mas cost-efficient daw kung babalik siya sa kanyang pinagmulang distrito dahil kahit paano ay kinikilala pa siya roon maliban pa totoo namang doon din nagsimula ang kanyang political career bilang konsehal.

Masama ang loob ng ating bida dahil binitiwan siya ng itinuturing niyang ninong na si mayor noong nakaraang eleksyon.

Hindi ibinigay ang mga ipinangakong pondo kaya ang resulta ay sa kangkungan pinulot ang kanyang mga pangarap na maglingkod para sa isang national position.

Sinabi ng ating Cricket na nagbago na rin ang ating bida dahil itinigil na nito ang dati niyang bisyo na nag-uubos ng pera sa mga sugalan tulad ng casino.

Tunay na natauhan na raw ito dahil muntik maubos pati na ang kanyang mga savings at ilang properties sa grabeng pagsusugal.

Sa ngayon ay madalas daw na makita si former politician na nakikihalobilo sa kanyang mga dating constituents sa isang mataong lugar dito sa Metro Manila.

Ang dating pulitiko na target na muling magkaroon ng pwesto sa pamahalaan kaya ngayon pa lamang ay sumisimple na sa pangangampanya ay si Mr. M….as in Moderno.

Read more...