Teresa nag-resign bilang stewardess para kay Diego

TERESA LOYZAGA AT DIEGO LOYZAGA

TERESA LOYZAGA AT DIEGO LOYZAGA

INIWAN na ni Teresa Loyzaga ang pagiging flight attendant sa kilalang airline company sa Australia dahil dito sa Pilipinas na siya maninirahan kasama ang anak na si Diego Loyzaga.

Oo nga naman, nag-iisa si Diego rito at nahihiya naman siguro ang aktor na tumira sa tiyahin niyang si Bing Loyzaga kasama ang pamilya nito kaya tama lang na samahan siya ng mommy niya.

May cameo role si Teresa sa seryeng Pusong Ligaw na isa ang anak niyang si Diego sa cast.

Sayang, guesting lang ang comebacking actress dahil maganda sana kung may eksena silang dalawa ni Diego na pangarap din nila na magkatrabaho sila.

Base sa umeereng kuwento ng Pusong Ligaw ay muntik nang ma-rape si Sofia Andres bilang si Vida ni Nathan (Marco Gumabao) dahil nalasing ang una.

Ang masama, may basbas pala ang mommy ni Sofia na si Bianca King as Marga kay Marco dahil nga boto siya para maging boyfriend dahil mayaman at magagamit sa negosyo nila.

Hindi kayang sikmurain ng aktres ang gusto ng ina kaya naglayas siya ng bahay.

At dahil dito ay inaabangan na ang pagkikita nina Sofia at Diego.

Nakakadalawang linggo palang ang Pusong Ligaw pero usap-usapan na ito ng mahihilig manood ng serye sa hapon at nagtala nan g 19.3% ng Kantar Media na highest so far ng nasabing serye.

Read more...