BIBIDA ang presidential son na si Baste Duterte sa kanyang sariling travel show, na isang eight part adventure-travel-reality TV show na tinawag na Lakbai.
Sa isang interview, inamin nya na hindi naman nahirapan na mapapayag siya para gawin ang project. Aniya desisyon daw niya ito at sayang naman din daw ang sahod.
“Wala eh, hindi ko na mapigilan kasi, ‘di ba? Nag-decide na lang ako to try show biz,” sey ni Duterte sa isang panayam matapos ang launching ng kanyang show sa Aracama sa Bonifacio Global City, Taguig City Miyerkules.
“If this doesn’t work out, puwede naman akong umuwi sa Davao,” dagdag pa nito.
“They didn’t convince me. Desisyon ko lang ito. Sayang din naman iyong suweldo. Iyon lang naman iyon,” chika pa ng anak ng pangulo.
Sa unang episode, tampok ang ilang kaibigan ni Baste tulad nina Alexis Lumbatan, S’Boi Malicay at
Andrei Aposto. Ayon sa pinakabata sa anak ni President Duterte, camera shy daw siya kaya ninais niyang makasama ang mga kaibigan. Isang special guest din ang makikita bawat episode.
Kasama din ang Davaoeño at Youtube sensation Bogart the Explorer na hindi na bago sa pagkakaroon ng travel shows.
Ang salitang ‘Lakbai’ ay pinagsamang Visayan phrase na ‘lakaw ta, bai’ na ibig sabihin ay tara na kaibigan. Ito din ay wordplay ng salitang lakbay.
Mapapanood na simula May 21 ang “Lakbai”, linggo-linggo sa TV5
MOST READ
LATEST STORIES