GRABE talaga ang mga netizens ngayon, no!
Porke lang may “laman” sa kanila ang emote ni Megastar Sharon Cuneta kaugnay ng pag-aalsa-balutan nito alone patungong ibang bansa, aba’y pinilit talaga ng ilang bashers na gumawa ng “fake news.”
Kalat na kalat na nga ang sinasabing “viral photo” nina Sen. Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros na sinasabing siyang dahilan kung bakit nag-eemote na naman si Ate Shawie.
Kawawa naman si Kiko at ang senadora, nabibiktima sila ng walang kalaban-laban. Talagang nilagyan ng malisya ang samahan ng dalawa. Feeling namin, hinaharas at ginagawan lang ng mahalay na isyu ang dalawang opisyal ng pamahalaan para masira sa mata ng publiko.
Basta kung anuman ang totoong rason ni Mega bukod sa gusto nitong magbakasyon at magpahinga, ay siya lang ang nakaka-alam.
Personal nga eh, di ba? Ha-hahaha! Affected much!