Horoscope, May 11, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Basta’t sumunod ka lang sa mga sinasabi ng mga mahal mo sa buhay, tuloy-tuloy na darating ang suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, ka-tugma mo ang isang Virgo, sa piling niya may ligayang naghihintay. Mapalad ang 4, 11, 29, 38, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Karin-Japa.” Red at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi dapat pagsabaysabayin ang anomang iyong ginagawa, mag-concentrate ka lang sa iisang bagay at ito ay ang mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, iwasan ang maraming relasyon isa lang dapat upang lumigaya habang buhay. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Violet at orange ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Maging maingat sa paglalabas ng pera, may babala na maloko ka na naman. Sa pag-ibig, ituon na lamang ang pansin sa kasuyong isinilang sa buwan ng Nobyembre o buwan ng Disyembre, upang lalong uminit ang pagmamahalan. Mapalad ang 6, 15, 24, 31, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum Suryaye Maneh.” Pink at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Nasa sarili mong pagsisikap ang ikauunlad. Wag mahirating umaasa ng umaasa sa iba, mas mainam na dumiskarte ka ng sarili mo. Sa pag-ibig, ang pagtatampo ng kasuyo ay pansamantala lamang, ngunit dapat na amuhin mo na siya bago lumala ang sitwasyon. Mapalad ang 5, 8, 25, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Om.” Lilac at purple ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Pamilya ang dapat na pahalagahan. Kung magsasama-sama ang pamilya, kahit na sa isang simpleng swimming pool lang mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang darating. Mapalad ang 2, 13, 25, 31, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Posse-Vindentur-Aum.” Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Kung magpapa-ganda kang muli, mas maraming kliyente ang maaakit at mas maraming salapi ang darating. Sa pag-ibig, kung maliligo ng dalawang beses isang araw, matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Sucti-Asuras.” Orange at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Wag pang hinaan ng loob. Kung ang pagsisipag ay sasabayan ng lakas ng loob, noon ka pa sana mayaman. Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang susi upang ikaw ay lumigaya sa piling ng isang Libra. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Raga-Kashta-Om.” Gray at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Wag ilihim ang lungkot na nadarama. Ang negatibong damdamin ay magdudulot ng pagkalugi. Sa pag-ibig, panahon na upang ibahagi sa minamahal ang mabibigat na problema. Mapalad ang 4, 10, 15, 27, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shared joy is a double joy; shared sorrow is half a sorrow..” Blue at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Magtatagumpay sa binabalak na negosyo kung isa sa isantabi muna ang emosyon. Tandaang “pera-pera lang ang labanan!” Sa pag-ibig, kailangang makaisip ng paraan, upang makatulong ang kasuyo sa mga gawaing may kaugnayan sa pagpapayaman. Mapalad ang 7, 18, 23, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omni-Pad-Me-Om.” Red at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Umiwas muna sa gawaing hindi naman mapagkakaperahan. Mag-concentrate sa pagpapalago at pagpaparami ng salapi. Sa pag-ibig, dahil mainit pa rin ang panahon yayain ang kasuyo na mag-swimming. Mapalad ang 5, 17, 29, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jiva-Gosvami-Om.” Green at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Habang sagana ang buhay matutong mag-impok. Ang pag-iipon ang tiyak na landas ng magandang kinabukasan. Sa pag-ibig, magpatago ng pera sa minamahal at wag gagastusin ang pinatagong pera kahit ano ang mangyari. Mapalad ang 7, 17, 25, 38, 43 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Crede-Quod-Habes-Om.” Green at silver ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Minam na mag-pawis at laging mag-exercise dahil ang mga Aquarius, mentras amoy pawis lalo silang sinusuwerte, lalo na sa materyal na bagay at sa pag-ibig. Mapalada ng 2, 12, 28, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govardana-Krisna-Om.” Yellow at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Panahon na upang doblehin ang mga pagsisikap. Sa patuloy na pagsisipag, mas maraming biyaya ang matatangap. Sa pag-ibig wag pahindian ang kasuyong Cancer, upang tuloy-tuloy na uminit ang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Pad-Me-Om.” Red at green ang buenas.

Read more...