Maymay sa pagiging beauty queen: Waahhhh! Mag-aaral po siguro muna akong mag-English!

EDWARD BARBER AT MAYMAY  ENTRATA

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ni Pinoy Big Brother Lucky Season 7 winner Maymay Entrata sa lahat ng nag-effort at nagpagod para sa kanyang bonggang birthday party kamakailan.

Siyempre, very grateful ang dalaga sa kanyang mga fans na siyang nag-organize ng kanyang party na may temang “Hollywood glam” kaya naman talagang bonggang-bongga ang venue at ang program.

Mas lalo pang na-surprise si Maymay nang bigla siyang sinalubong ng kanyang ka-loveteam na si Edward Barber as her escort habang naglalakad siya sa red carpet. Sey ng dalaga, ito na raw ang pinakamaligaya niyang birthday.

Bukod sa kanyang mga fans at malalapit na kaibigan, present din sa kanyang party ang kanyang Lola Lorna, ilang mga kapamilya from Cagayan de Oro at mga dating PBB housemates na sina Jinri Park, Elise Joson, Hashtag Macoy at marami pang iba.

“Sobrang blessing ito at pagmamahal, alam ko naman na temporary ang lahat nang ‘to pero habang nandiyan, paghuhusayan ko at magbibigay kasiyahan ako sa mga fans na dahilan kung bakit andito ako,” ani Maymay sa isang panayam.

Para naman sa kanyang mga fans, ‘Binabalik ko lang ‘yung pasasalamat ko sa kanila, kaya para naman po ito sa kanilang lahat. Masayang-masaya ako at napaka-blessed ko na may mga fans akong ganyan na sobrang malaki ang puso nila para maibigay yung support nila nang buo sa akin.”

Biniro naman ng press si Maymay na pwedeng-pwede raw siyang maging beauty queen dahil sa suot niyang Daniel Manila gown, “Waaaahhh! Mag-aaral muna ako mag-English!” Aniya, akting daw talaga ang gusto niyang gawin sa ngayon.

Read more...