AFP Chief of Staff Año itinalaga bilang bagong DILG secretary

ITINALAGA bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Governement si Armed Forces Chief of Staff General Eduardo Año.

Ginawa ni Duterte ang anunsyo sa kanyang departure speech sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.  Magtutungo si Duterte sa Cambodia para sa World Economic Forum.

Ayon kay Duterte, si Año, na nakatakdang magretiro bilang sundalo sa Oktubre 26, ay kailangang tapusin muna ang kanyang termino bilang hepe ng AFP bago tuluyang umupo bilang bnagong kalihim ng DILG.

Si Undersecretary Catalino Cuy ang siyang kasalukuyang acting DILG chief matapos sibakin sa puwesto ang dating kalihim na si Ismael Sueno dahil sa umano’y kaso ng korupsyon.

Read more...