Sikat na aktres nagmukhang alalay ni sexy star

BLIND ITEM FEMALE 0415

BONGGA rin ang drama nitong si award-winning actress.

Nang malaman daw nitong kukunan ang eksena nila ng seksi at maganda ring female star sa isang soap, aba’y naghanda raw ito nang wagas na wagas.

Una, tiniyak daw nitong mas maganda siyang lalabas kahit na mas seksi yung kaeksena niya.

At dahil mas legit namang award-winning actress siya, ang aura na lang daw nila ang gusto niyang masiguro.

So, nagbitbit ng sarili niyang make-up artist si award-winning actress plus nagsukat daw ito ng mga damit na pangkabog.

Ang siste, kahit hindi masyadong nag-effort si sexy actress, lumutang ito sa kanyang eksena dahil siya ang pokus ng mga kaganapan.

In short, nagmukhang “alalay” ni sexy actress si award-winning actress dahil late na pala siyang na-inform na ang kaeksena niya ang dapat na mag-shine.

Hindi lang sure ang aming ka-Chismaker kung paano nag-react si award-winning actress sa komento ng mga nakapanood na nagmukha siyang “tita” ni sexy actress considering na halos ilang taon lang naman ang agwat ng edad nila?

Read more...