Ka-compatible ba ang girlfriend?

Sulat mula kay Patrick ng San Nicolas, Guagua, Pampanga
Dear Sir Greenfield,
Itatanong ko lang kung compatible ang zodiac sign na Taurus at Virgo. Ang girlfriend ko ay isinilang noong May 10, 1992 kaya siya ay isang Taurus habang ako naman po ay isang Virgo na isinilang noong September 7, 1990. Tugma ba kami? Kung yayayain ko na ba siyang magpakasal dahil pareho naman kaming may stable job sa kasalukuyan ay papayag kaya siya? At kapag kami ay mag-asawa na, magiging matagumpay at magiging maligaya kaya ang papasukin naming pag-aasawa? At kung sakaling magpapakasal kami next year 2018, anong buwan po ba ang suwerte sa amin para magpakasal?
Umaasa,
Patrick ng Pampanga
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansing iisa lang naman ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Tanda na isang beses ka lang magkaroon ng totohanan at seryosong karelasyon na humigit kumulang kung sino ang naging first girlfriend mo, malamang siya na rin ang magiging last at makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
Eight of Diamonds, Nine of Hearts at Ten of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing magkakaroon ng napakahalagang pangyayari sa buhay mo sa taong 2018, 2019 at 2020, kung saan, maaari ngang sa mga panahong tinuran makakasal na kayo ng girlfriend mo, at ang nasabing pag-aasawa ay tiyak na magkakaroon ng isang mabiyaya at mabungang pamilya pagsasama habang buhay.
Itutuloy…

Read more...