Bumagsak na chopper galing sa basura

ANG UH-1D helicopter ng Philippine Air Force (PAF) na bumagsak sa Tanay, Rizal noong Huwebes na ikinamatay ng piloto at dalawang crew ay mga depektibong shipment ng mga choppers na ipinilit sa PAF ni Defense Secretary Voltaire Gazmin noong administrasyon ng Pangulong Noynoy Kuyakoy.

Isa pang military chopper na kasama sa depektibong shipment ay bumagsak sa Sarangani province noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Sa kabutihang palad ay walang nasaktan sa crash na yun na nagsimula nang ang chopper ay nasunog habang nasa himpapawid.

Labing tatlong (13) choppers ang binili ng Department of National Defense sa Rice Aircraft Services, isang diumano’y sampay-bakod na taga-assemble ng eroplano sa California, USA, sa halagang P2.1 bilyon.

Ang mga helicopters ay galing sa basurahan ng German military, ipinasok sa America bilang junk, pinagtagpi-tagpi at ginawang mga helicopters, bago nai-ship sa Pilipinas, sabi ng whistleblower na si Dory Alvarez.

Si Alvarez, isang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR), ay dating representative ng Rice Aircraft sa bansa.

Sinabi ni Alvarez na ang mga helicopters na dating basura ay ni-repair pang muli sa PAF base sa loob ng Clark Economic Zone sa Angeles City.

Nagkaroon ng imbestigasyon sa Senate blue ribbon committee dahil sa expose ni Alvarez.

Pero walang nangyari sa imbestigasyon.
***
Bukod kay Gazmin, ang ibang opisyal na sangkot sa irregular na pagbili ng basurang mga helicopters ay sina Defense Undersecretary Fernando Manalo, former Defense Asst. Secretary Patrick Velez, Brig. Gen. Conrado Parra, at retired Lt. Gen. Jeffrey Delgado na chief noon ng PAF.

Si Parra, chairman noon ng PAF technical working working na tumanggap ng mga basurang choppers at ngayon ay vice commander ng PAF.

Kung panahon ng giyera ngayon, dapat ay pahaharapin ang mga nasabing opisyal sa firing squad dahil sa anomalyong pagbili ng mga basurang choppers.

Pero sila’y nagpapakasasa ngayon sa ninakaw na pera ng bayan, ani Dory Alvarez.
***
Dapat bang ilan pang buhay ng sundalo ang malagas bago itigil ng Air Force ang pagpapalipad ng mga nasabing “flying coffins?”

Wala na sina Gazmin at Noynoy, na maaaring pumilit sa kanila na paliparin ang mga basurang helicopters, pero bakit pinalilipad pa rin ang mga ito?

Dapat ay buksan muli ng Senado ang imbestigasyon sa pagbibili ng mga basurang choppers ng administrasyon ni Noynoy Kuyakoy.
***
Si Dory Alvarez ay sumailalim sa Witness Protection Program.

Pero nang mawala na si Guingona ay nawala na rin sa mantle of protection ng gobiyerno ang whistleblower.

Baka isang araw ay may gunman na naka-riding in tandem ang paputukan na lang si Alvarez upang tumahimik na siya.
***
Ang bomba na pumutok sa may Muslim area sa Quiapo, Maynila ay nakalagay sa isang kahon na para diumano kay Nasser Abinal, revenue district officer (RDO) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Maynila.

Dalawa katao ang napatay nang sumabog ang bomba sa loob ng kahon na hinatid ng isang messenger sa opisina ni Abinal sa Muslim area sa Quiapo.

Ang BIR office ni Abinal ay nasa Intramuros, malayo sa pinangyarihan ng pagputok ng bomba.

Kung ang opisina ni Abinal bilang RDO ay nasa Intramuros, bakit pa siya may opisina sa Muslim area sa Quiapo?

Bakit pa siya tumatanggap ng mga kahon at iba pang bagay sa kanyang opisina sa Quiapo gayong nasa Intramuros ang kanyang tanggapan?

Lagay kaya kay Abinal ang dapat ang nasa loob ng kahon na bomba pala ang laman?

Read more...