Pauleen ibinandera ang umbok ng tiyan; excited nang maging mommy

pauleen luna

IBINANDERA ni Pauleen Luna sa kanyang Instagram account ang kanyang baby bump, patunay na totoong buntis na nga siya sa panganay na anak nila ni Bossing Vic Sotto.

Nag-post si Poleng ng litrato niya sa IG na kuha sa birthday celebration ni Vic last April 28 na ginanap sa Balesin Island Club kung saan makikita ang maumbok na niyang tiyan. Nilagyan niya ito ng caption na: “Baby on board!”

Last Saturday in-announce ni ni Bossing sa Eat Bulaga na buntis na ang kanyang asawa sa first baby nila.

Aniya, “Buntis ako!” na ikinahagalpak ng mga Dabarkads sa studio. Pero mabilis na bawi ng TV host-comedian, “Hindi po ako, ang aking asawa ang buntis.”

Pagkatapos ibalita ni Bossing ang good news, nag-post din si Poleng ng mensahe sa kanyang Instagram account, aniya, “Finally, a bun in the oven! Can’t be more proud and excited to be a mom.

“Thank you to my handsome for surprising me with this announcement!”

Read more...