CHARICE sa relasyon nila ni ALYSSA: Ayaw naming lokohin ang mga tao…we’re normal couple po!

Mukhang hindi naman ang tipo ni Charice ang garapal na tibo. Ang ibig naming sabihin, hindi siya tulad ng ibang lesbiyana na grabe kung makipaglandian at makipag-loving-loving sa kanyang partner.

Feeling namin, conservative pa rin ang international singer pagdating sa pakikipagrelasyon. Tulad na lang ng relasyon nila ng X Factor Philippines finalist/AKA Jam member na si Alyssa Quijano, though nagsasalita siya tungkol dito, pero very careful pa rin siya sa kanyang mga sinasabi.

Sa interview ng press kay sa presscon ng Yahoo OMG Awards 2013, inamin ni Charice na suot niya ang promise ring nila ni Alyssa. Halatang kinikilig ang singer habang nagkukuwento.

“Alam n’yo ilang beses ko siya tinanong, ‘Ready ka ba? Ready ka ba? Ready ka ba?’ And hindi naman kami yung ipapakita ko siya ganyan. Kung makikita siya e, di makikita siya. Pero hindi kami yung ilalantad lang namin nang ilalantad,” sey ni Charice.

Handa na rin daw sila sa matatanggap na panlalait ng ibang tao, “Hindi naman kami nag-decide na ilabas for the aske lang na ilabas. Ang napag-usapan lang namin once na mag-come out ako, people are going to try to invade my privacy which kasama siya du’n.

“Ayaw din naman namin i-deny, ayaw din naman namin lokohin ang tao, ayaw namin na lalabas kami tapos sasabihin namin friends kami. We’re not like that. We’re normal.

Couple kami, eh di couple kami,” matapang pang pahayag ni Charice. Sina Chris Brown at Justin Bieber ang idol ni Charice pagdating sa pananamit.

Read more...