Pinoy lifters naka-18 ginto sa Asian Powerlifting Championships

MINSAN pa ipinakita ng Powerlifting Association of the Philippines (PAP) na kaya nilang magwagi ng medalya sa mga internasyonal na kumpetisyon.

Ito ay matapos na ipagpatuloy ng PAP na hindi nasasayang ang badyet na nakukuha sa Philippine Sports Commission kung saan 15 powerlifters na kumampanya sa 2017 Asian Powerlifting Championships sa Soreand, Bandung, West Java, Indonesia ay makapag-uwi ng 52 medalya kabilang ang 18 ginto bukod pa sa tig-17 pilak at tanso.

Nanguna para sa Nationals sina Houston 2016 World Classic Powerlifting Championships women’s 43-kilogram  sub-junior division gold medalist at deadlift record holder Joan Masangkay, Andrea Rowella Abrea at Dainielle Maxine Fugen na mga gold medalist sa six-day liftfest noong Mayo 1-6.

Na-sweep nina Masangkay, Abrea at Fugen ang mga ginto sa women’s junior 43-kg class, sub-junior 43 kg at 72 kg level magmula sa squat, bench press, deadlift at total lift, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang mga naging mina ng medalya ng bansa sa kumpetisyon ay sina Leslie Evangelista na naka-ginto sa total at deadlift at naka-pilak sa squat at bench press sa women’s 52kg; Veronica Ompod sa gold sa bench press, at silver sa total lift, deadlift at squat ng sub-junior 43kg; Angela Alferez  na ginto sa deadlift,  pilak sa bench press at total at tanso sa squat ng sub-junior 63kg.

Jeremy Reign Bautista na nanguna sa bench press, segunda sa total lift at tersera sa deadlift at squat ng sub-junior 57kg; Alexis Nicole Go na gold sa deadlift at silver sa squat ng junior 83+kg; Daisy Grace Lipasana na may apat na pilak sa sub-junior 52kg class; Jessa Mae Taduran na may isang pilak (bench press) at tatlong tanso (total lift, deadlift at squat) sa sub-junior 43kg; Reggie Ramirez na silver sa total lift at bronze sa bench press at deadlift ng men’s Open 59kg; Kenneth John Bais na nawalis ang mga tanso sa sub-junior 43kg; Dianne Kathleen Chiang na tanso sa squat at bench press ng junior 63kg; Anita Koykka na naka-bronze sa bench press at deadlift ng women’s Open 57kg; at Joyce Reboton na nakatanso sa deadlift ng women’s Open 72kg.

Read more...