“KAPATID, nagpista na naman ang mga matrona!” tili ng isang kaibigan na-ming becki na ang tinutukoy ay ang mga kaibigan na-ming kilig na kilig kay Ian Veneracion.
Kuwento ng aming kaibigan, “May meeting pa ako nu’ng gabing ‘yun, may gagayakan akong wedding, nasa kasukdulan ang pakikipag-usap ko sa mga clients ko, pero ang mga sisters natin, nanggugulo!
“Tawagan nang tawagan! Pero iisa lang naman ang kuwento nila, ang sobrang pagkakilig nila kay Ian Veneracion sa A Love To Last! Hala, tilian nang tilian ang mga lowkah, nag-propose na raw kasi si Anton kay Andeng!
“Sabi ko, e, tantanan muna nila ako at may i-naayos pa akong raket! Nalokah ako, kasi, sabi nu’ng isang ka-meeting ko, ‘Nakakainis nga, na-miss ko ang episode tonight, kilig na kilig din kasi ako kay Ian!’
“Naloko na! Pati pala ang kausap ko, e, ganu’n din ang pagkagusto kay Ian Veneracion!” humahalakhak na kuwento ng a-ming bestfriend na si Sonia.
At maraming tagapanood ng serye ang natutuwa dahil marunong na raw umalma at lumaban ngayon si Andeng, palaban na raw ang role ni Bea Alonzo, hindi tulad nu’n na tanggap na lang nang tanggap ito ng mga panghuhusga sa kanya ng dating misis at mga anak ni Ian sa istorya.
At tama sila, kung kailan nagkaedad si Ian Veneracion ay saka pa mas lumakas ang kanyang appeal, ngiti at titig pa lang daw ng guwapong aktor ay ulam na.
Kahit pagod sa maghapon ang ating mga kababayan ay talagang hinihintay pa rin sila ng seryeng nagpapakilig sa kanila bago matulog.