MARAMING masaya sa gumandang kapalaran ng isang female personality. Mabuti nga naman kasi at naisipan ng nasabing aktres na baguhin na agad ang kanyang attitude na dating problema ng mga nakakasama niya sa mga proyekto.
Ibang klase nu’n ang babaeng personalidad na ito. Kung ano ang kanyang maisipan, pigilan man siya ng mga taong nagmamalasakit sa kanya, ay sige lang siya nang sige.
Hindi siya nagdadalawang-isip, gagawin niya ang kanyang gusto, kahit pa kalaban niya ang buong mundo. ‘Yun din ang dahilan kung bakit nasagad ang pasensiya ng isang aktor na matagal niyang nakarelasyon.
Sabi ng aming source, “Naku, mabuti naman at binago na niya ang nakakaloka niyang attitude! Napag-isip-isip siguro niya na walang mangyayari sa career niya kung magtitigas-tigasan pa rin siya ng ulo!
“Pasaway ang babaeng ‘yan nu’n! Malaking problema siya ng production, hirap na hirap makibagay sa ugali niya ang mga handlers niya!” napapailing na sabi ng aming impormante.
Pero ngayon ay maayos na ang takbo ng kanyang career, wala nang masyadong nagrereklamo sa kanyang ugali, nagising din siya sa katotohanan na kundi siya magbabago ay mauuwi lang sa wala ang mga pinahirapan niya.
“’Yung naging boyfriend niya, e, mabait, pasensiyoso, pero naubos din ang pasensiya sa kanya nu’n. Paano naman, kapag may sumpong ang girl, e, ayaw niyang kausapin!
“Sobrang selosa pa nu’n! May makita lang siyang kausap na girl ng boyfriend niya, e, agad na siyang iiyak nang iiyak! Pa-victim ang babaeng ‘yun!
“At wala siyang pinipi-ling pagselosan. Babae, becki, kapwa lalaki ng BF niya, e, parang threat lahat sa kanya ‘yun! Kita n’yo ngayon, maayos na siya, maganda ang career niya, sa totoo lang!
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang starring sa ating kuwento. Kasinglaki ng parking lot ang apelyido niya, promise!” pagtatapos ng aming source.