Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.1 ang Ilocos Sur kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-7:14 ng umaga.
Ang sentro nito ay 31 kilometro sa kanluran ng Vigan. May lalim itong 24 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate.
Nagdulot ito ng Intensity I paggalaw sa Vigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending