INGGIT na inggit si Anne Curtis kay Kim Atienza na may picture kasama ang Korean superstar na si Gong Yoo sa isang event na dinaluhan niya sa Hong Kong.
Naka-tag kasi si Anne sa caption ni Kuya Kim sa lahat ng photos at videos niyang pinost sa Instagram account niya.
“Eto na! Walang photoshop, walang edit. Me and my kalokalike @gongyoo #kuyakimshin #matanggoblin #weekendwithgongyoo #matanglawintv @viuphilippines,” caption ni Kim sa isang photo katabi si Gong Yoo na bumida sa pelikulang “Train To Busan.”
Favorite K-actor ni Anne si Gong na siyang dahilan kung bakit nahuhumaling siya ngayon sa K-drama. Nasa Hong Kong din ang aktres para sa event na ‘yon.
Hindi nga lang siya nakapagpa-selfie o na-interview ang Korean actor di gaya ng Kim. Pero sa isang post sa IG, may side by side photo naman siya kay Gong habang sumisingit sa likod si Kuya Kim, huh!
“#weemANNEdWithGongYoo starts now. Hindi man ako nakapag selfie or interview like Kuya Kim…He got me this naman as a souvenir and made me saling pusa sa presscon. Kamsahamida #GongYoo.
“I’m officially overjealous of @kuyakim_atienza. Siya ang tunay na kalaban natin girls! Sobrang nakakadurog ng puso ung selfie nila. @matanglawintv @viuphilippines #makeawishinHongKong #ANNEventuresHongKong,” caption ni Anne sa isa pass na may pirma si Yoo.
Dahil nakita ang idolong Korean actor, ipinagmalaki ni Anne ang tutulugan niyang kama na
inaasahang magkakaroon ng sweet dream dahil fulfilled ang pangarap niyang makita at makatabi in person si Gong Yoo!