Asawa’t mga anak ni April Boy di sumuko

MADEL AT APRIL BOY REGINO

MADEL AT APRIL BOY REGINO

MONTHS before Startalk had gone off air ay nai-feature ng programa ang kuwento ni April Boy Regino, this was after the Jukebox Idol won his fight against prostate cancer pero nahalinhan naman ng panibagong karamdaman kung saan naapektuhan ang kanyang eyesight.

Back then, isang mata na lang niya ang nakakakita.

Sa nasabing feature story, inamin ni April Boy kung paanong ang pang-aabuso niya sa kanyang katawan had led to his misfortune.

Fast forward. Nitong Martes ay naging panauhin ng programang “Cristy Ferminute” si April Boy kasama ang anak na si JC who resembles the looks of his mom Madel.

Through the booth’s glass window ay nakita namin kung paanong akayin ang mang-aawit ng kanyang anak. Bagama’t nakakaaninag na si April Boy, lumalampas pa rin ang kanyang dapat sana’y diretsong tingin sa kausap niya.

While obviously still reeling from blindness, maaliwalas na ang tingin ngayon ni April Boy sa kanyang paligid, and yes, sa mundo in general.

Bitin na bitin ang mga “CFM” listeners/viewers na mapakinggang muli ang mga pinasikat na awitin niya pero makamulat-kaisipan ang mga kuwentong ibinahagi ni April Boy sa kanyang pinagdaanan.
Ang sakit na dumapo sa kanya had him lie in bed for a year, du’n na siya sinusubuan para makakain. Ang dating masayang household with April Boy as the central comic figure ang siya noong kailangang patawanin para maibsan ang kanyang depresyon.

Like any seriously ill person who views life to have lost its meaning ay kinuwestiyon—kundi man sinumbatan—din niya ang nasa Itaas. Pero kalauna’y kumapit lang si April Boy, patuloy na niyayakap nang buong higpit ang pananampalataya at paniniwalang isang araw ay gagaling siya.

Sa puntong ‘yon ay marami sa mga tagasubaybay ng “CFM” ang nagpadala ng kanilang mensahe ng pagsang-ayon. Tama, may mga dalubhasang doktor na nagpapagaling ng mga karamdaman ng tao, pero walang kasingdalubhasa kesa sa healing God. Siya lang at walang iba na nagbigay ng buhay ang maaari ring magdugtong nito.

Things are now back to normal para sa binansagang Idolo ng Masa pagdating sa pag-awit. Pero may mas angkop na katawagan na ngayon para kay April Boy: bagong mukha ng pag-asa.

True enough, the cap-tossing performer is slowly springing back to the craft he does best and loves most.

Thanks to his support system na binubuo ng kanyang asawa’t mga anak.

Ang mga ito ang dapat kumanta ng, “‘Di ko kayang tanggapin…na mawawala ka na sa akin.”

Read more...