Claudine kay Sen.Tito Sotto: Ninong namin kayo ni Raymart sa kasal, at alam n’yong hindi ako na-ano lang!

ciara sotto at claudine barretto

PATI  ang nananahimik na si Ciara Sotto ay nadamay na rin sa kontrobersyang kinasasangkutan ng kanyang amang si Sen. Tito Sotto.

Ilang netizens ang nag-comment sa litratong ipinost ni Ciara sa kanyang Instagram kasama ang kanyang anak. Dito binatikos nila si Tito Sen, ayon sa isang nag-comment, “So, ano kaya na feel ni Ciara nung sinabi ng tatay nya na ‘NA ANO LANG’ din sya?”

Pahayag naman ng isang follower ni Ciara, “Ibang klase tatay mo. Single parent ang nanay ko. Ang gago. sobra. Ikaw single parent, I dont believe in karma but your dad deserves something. Bastos na bastos an bunganga. All I can say is bastos tatay mo. Nakakahiya!”

Hirit naman ng isa, “Sabi ng papa mo yong mga single parent kong tawagin NA ANO LANG. What kan you say about that? Single parent ka din.”

Nagbabakasyon ngayon sa Japan si Ciara at habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang sagot ang singer-actress sa mga bumabatikos sa kanya at sa kanyang ama.

Ipinagtanggol naman si Ciara ng kanyang pinsan na si Danica Sotto at nakiusap na huwag nang idamay ang kanyang pamangkin (anak ni Ciara).

Ani Danica, “Please wag kayo dito mag comment. Respect her account. May mga nasaktan man pero unfair na idamay niyo siya pati ang pamangkin ko.”

Pagpapatuloy pa ni, “Sorry if may mga na hurt but pls let her enjoy her vacation. Respect ang gusto niyo diba po? Pls also show her some respect.

“Walang sino man ang perfect saatin Pls don’t make this issue bigger by giving unnecessary comments,” pahabol pa ni Danica.

q q q

Kahit ninong nila ni Raymart Santiago sa kasal si Sen. Tito Sotto, kinontra rin ni Claudine Barretto ang senador sa naging komento nito tungkol sa mga single mother sa ginanap na hearing ng Commission On Appointments para sa confirmation ng government appointees kabilang na si DSWD Sec. Judy Taguiwalo.

Ayon kay Claudine, single mother na rin siya ngayon matapos silang maghiwalay ni Raymart at hindi siya agree sa sinabi ng senador against Sec. Taguiwalo.

Mensahe ni Claudine, “Senator Tito Sotto, I am a single mother of 2 and im proud of myself and I have so much respect para sa lahat ng ma single mothers na tumatayong nanay at tatay.

“Para sa akin bayani ang single mothers, wala hi kaming dayoff, sweldo o benefits bilang isang single mother. Ninong namin kayo ni Raymart sa kasal so siguro naman po alam ninyong hindi ako NA ANO LANG!!!”

Read more...