Pia iwas na iwas sa ‘daddy issue’ ni Marlon

MARLON STOCKINGER AT PIA WURTZBACH

MARLON STOCKINGER AT PIA WURTZBACH

NAPANOOD namin ang video kung saan nainterbyu ng ilang members ng entertainment media si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Dito sinagot ng dalaga ang ilang kontrobersiyang kinasasangkutan niya, kabilang na ang isyu sa kanila ng kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger na sinasabing may kambal nang anak sa dating karelasyon.

Wala pang diretsong pahayag si Marlon tungkol dito kaya si Pia ang natanong kung kumusta na siya sa gitna ng mga isyung ito.

“I just continue on working. Alam ko na it’s really part of the job. Sometimes you get a lot of stones thrown at you, but that’s how it is,” ang sabi ni Pia sa isang video na ipinost ng TV5 reporter na si MJ Marfori sa kanyang social media account na kuha sa contract signing ng beauty queen bilang UNAIDS Goodwill Ambassador for Asia and Pacific.

“I think I’ve gone through a lot already and I know how to handle certain situations. But that doesn’t take away my focus from the real issues on what I really have to do as Miss Universe ambassador, new ambassador for UNAIDS,” sey ni Pia.

Pero nang matanong kung ano ang reaksyon niya sa Instagram photo nila na ipinost ni Marlon kamakailan na may caption na, “Nothing has changed,” ito lang ang naging sagot ni Pia, “I’m still a hardworking Binibini and Miss Universe.”

Read more...