3 patay, 1 sugatan matapos mag-crash ang chopper ng Air Force

PATAY ang tatlo katao, samantalang sugatan ang isa pa matapos mag-crash ang helicopter ng Air Force sa Rizal ngayong hapon.
Nagsasanay ang mga pulis at militar nang maaksidente ang UH-1D chopper sa Sitio Hilltop sa Brgy. Sampaloc, Tanay, ayon kay First Lieutenant Xy-Zon Meneses, 2nd Infantry Division ng Army.

“Tapos na ‘yung practical exercise nila for the day kaso nag-trouble ‘yung isang chopper ng pa-landing,” sabi ni Meneses.
Hindi pa inilalabas ang pangalan ng mga nasawi habang hindi pa nasasabihan ang pamilya ng mga biktima.

Read more...