2017 PSL Beach Volley Challenge Cup hahataw | Bandera

2017 PSL Beach Volley Challenge Cup hahataw

Angelito Oredo - May 04, 2017 - 12:02 AM

BUKOD sa pagtuon sa  korona ay asam din ng magkapatid na 2017 NCAA beach volley champion Rey at Relan Taneo na   maging miyembro ng pambansang koponan sa paglahok nila sa  2017 Belo Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup umpisa  ngayong umaga sa SM By the Bay.

Unang lalaro ang mga  kalalakihan ganap na alas-8 ng umaga kung saan nakatutok din ang Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. para sa mga  posibleng maging miyembro ng bubuuing pambansang koponan.

“The LVPI is in the process of forming the national beach volley team and it will be good for our players, both in men and women’s, to show their talent and abilities for them to be a possible candidate to the national squad,” sabi ni Philippine Super Liga (PSL) president Ramon “Tatz” Suzara.

“Gusto po talaga namin na makapaglaro sa beach volley dahil dito po talaga kami naglalaro noon,” sabi ni Reylan, na mas nakakatanda sa tatlong magkakapatid na Taneo na ngayon ay kabilang sa koponan ng University of Perpetual Help Dalta System.

Inaasahan naman na hitik sa aksyon din ang women’s division  sa pagpapareha ng mga kilalang manlalaro sa bansa tulad nina Bernadette Pons ng FEU at Cherry Ann Rondina ng UST para sa Petron Sprint 4T na inaasahang magbibigay ng matinding hamon sa mga dating La Salle players na sina Cyd Demecillo at Fritz Gallenero ng F2 Logistics A.

Unang maghaharap sa women’s division sina Marijo Medalla at Bianca Tripoli ng Perpetual at Generika Ayala B nina Rosalie Pepito at Kathleen Arado sa alas-3 ng hapon. Susundan ito nina Demecillo at Gallenero ng F2 Logistics A kontra Wensh Tiu at Abie Nuval ng Cocolife sa alas-4 ng hapon.

Haharapin naman nina Mylene Paat at Janine Marciano ng Cignal B ang powerhouse Generika-Ayala A nina Fiola Ceballos at Patty Orendain sa alas-5 ng hapon bago sisimulan ni Jovelyn Gonzaga ang pagtatanggol sa korona kasama ang bagong kapareha na si Maica Morada sa Cignal A sa pagsagupa sa Generika-Ayala B nina Rosalie Pepito at Kat Arado ganap na alas-7 ng gabi matapos ang laban nina Kathleen Barrinuevo at Cherilyn Sindayen ng Foton kontra Ces Molina at Bang Pineda ng Petron XCS.

Optimistiko naman si Gonzaga, na ilang beses tinanghal na kampeon at kinatawan ang bansa sa beach volleyball sa Southeast Asian Games sa Palembang, Indonesia noong 2011, na malalampasan nito ang matinding hamon kontra sa mga bagong karibal.

“Panibagong challenge dahil bagong kakampi at then everybody improved,” sabi ni Gonzaga, na kapareha si Nerizza Bautista ay nagawang masungkit ang titulo nakaraang taon. “I will try my best to play with extreme caution because everybody is out to win the title.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending