Derek Ramsay dedma lang sa banta ng Abu Sayyaf, nag-enjoy pa rin sa Bohol

derek ramsay

WALANG takot na pumasyal si Derek Ramsay sa Bohol. Ayon kasi sa mga balita, ilang members ng Abu Sayaf ang nagkukuta na sa nasabing probinsiya.

Ang pagbisita ni Derek sa Bohol ay bahagi ng pagiging endorser niya ng isang donut chain. Doon niya na-feel ang pagiging mabait ng taga-Bohol base na rin sa post niya sa kanyang Instagram account.

Bumisita rin ang aktor sa oldest church sa bansa, ang Baclayon church. “The beauty of our country never fails to amaze me,” bahagi ng caption ng aktor sa kanyang IG post.

May napabalitang bagong series na gagawin si Derek sa TV5 na ididirek daw ni Brillante Mendoza. Pero wala pa siyang ibinibigay na detalye tungkol dito.

Pawang sports ang pinagkakaabalahan niya ngayon base na rin sa mga ipinopost niyang pictures sa Instagram.

Read more...