Xian kinawawa ng bashers pagkatapos mag-host ng Bb. Pilipinas

XIAN LIM

XIAN LIM

BIDANG-BIDA ang pangalan ni Luis Manzano sa social media sa isang positibong dahilan. Siya ang dapat daw sana’y kinuhang host ng katatapos lang na coronation ng Bb. Pilipinas at hindi ang wala pa ring pag-unlad na pagsasalang kay Xian Lim.

Sabi ng isang naloloka sa pagho-host ng tinagurian ding ham actor, “Hindi na siya bagito sa trabahong ‘yun, ha? Ilang beses na ba siyang nag-host ng beauty contest, pero bakit hanggang ngayon, e, Buckle King pa rin siya?

“Kung sana, e, ngayon lang siya sumalang, kainti-intindi pa ang kabanuan niya! Kaso, ganya na siya nu’n pa, hanggang ngayon ba naman, e, ganyan pa rin ang Xian na ‘yan?”

Du’n palagi nababanggit ang pangalan ni Luis Manzano na puwede naman talagang ilaban nang sabayan sa kahit kanino diyan kapag hosting ang pinag-uusapan. Napaka-articulate ng aktor-TV host, umaadlib pa nga kung kailangan, manang-mana si Luis sa kanyang pinagmanahan.

“Ang nag-air ng Bb. Pilipinas, e, ABS-CBN. Natural, nagkaroon ng meeting ang production people ng network at ng Bb. Pilipinas Charities. Bakit hindi si Luis ang pinili nilang host, bakit si Xian?

“Sa planning stage pa lang, e, tinututukan na dapat nila ang part na ‘yun! Gaano ba kasi kalakas si Xian sa production para siya pa rin ang i-assign, samantalang nu’ng una pa lang, e, puro pagkakalat na ang inaabot niya?” pagpuna ng isang source na windang na windang sa hosting partner ni Pia Wurtzbach sa gabi ng mga Pilipinang naggagandahan.
Very well….!

Read more...