Serye ng Kimerald, Showtime perfect ‘combo’

kim chiu and gerald anderson

AGAD na tinangkilik ng mga manonood sa buong bansa ang masayang back-to-back na pananghaliang inihahain ng ABS-CBN na Ikaw Lang ang Iibigin at ng pamilya ng It’s Showtime matapos pareho itong manguna sa national TV ratings noong Lunes (May 1).

Inabangan ang pagbabalik-tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa telebisyon, nakakuha ang Ikaw Lang Ang Iibigin ng national TV rating na 17%, kumpara sa katapat nitong programa na nakakuha ng 10.2%, ayon sa Kantar Media.

Naging usap-usapan din ang serye sa social media matapos manguna at umani ng libo-libong tweets ang official hashtag ng palabas na #ILAIWorldPremiere. Patunay na hindi pa rin nawawala ang magic ng Kimerald sa viewers!

Nagbigay-pasilip ang mga eksena noong Lunes sa umuusbong na pagkakaibigan nina Bianca at Gabriel (Kim at Gerald). Ngunit ang hindi nila alam, konektado na noon pa man ang kanilang mga buhay dahil sa kanilang mga ina na sina Maila (Bing Loyzaga) at Victoria (Ayen Laurel), mga dating atleta na pinaglayo ng pangarap at pag-ibig para sa iisang lalaki.

Samantala, hindi naman nagpahuli ang saya at katatawanang hatid ng It’s Showtime matapos nitong magkamit ng 16.3%, laban sa katapat na programa na may 12.7%. Tinutukan din ng netizens ang good vibes na dala ng palabas matapos mag-trend sa Twitter ang official hashtag ng show na #ShowtimeHappyLaborDay.

Tunghayan ang sunshine na hatid sa tanghalian ng Ikaw Lang ang Iibigin at It’s Showtime sa PrimeTanghali ng ABS-CBN.

Read more...