HINDI napigilan nina Lea Salonga, Pokwang at iba pang celebrities ang magbigay ng reaksyon tungkol sa kontrobersyal at trending statement ni Sen. Tito Sotto sa ginanap na hearing sa Commission of Appointments kaninang umaga.
Ang tinutukoy namin ay ang joke ng senador na “na-ano lang” patungkol sa pagiging single mother ni Department of Social Welfare and Development Sec. Judy Taguiwalo na sumailalim nga sa pagdinig ng COA para sa appointment nito.
Isa si Tito Sotto sa mga nagdedesisyon kung maaaprubahan ang appointment sa isang presidential appointee sa isang govenment position.
Habang isinasagawa ang COA hearing ay mapag-uaspan ang pagiging single mother ni Taguiwalo. Pagkatapos magsalita ng opisyal nag-dialogue si Tito Sen ng, “In the street language, when you have children and you are single, ang tawag dun, e, ‘na-ano’ lang.” Na ang ibig sabihin ay naanakan lang o nabuntis lang.
Mabilis na nag-trending ang statement ng senador sa Twitter na ikinagalit ng mga netizens. Isa sa mga nag-post ng kanyang saloobin tungkol sa isyu ay ang international singer at The Voice coach na si Lea Salonga. Wala man siyang pinangalanan sa kanyang mensahe, naniniwala ang mga followers niya na patungkol ito sa naging pahayag ng senador.
Ani Lea, “For those that look down upon these beloved ladies, there’s a special place in hell for the likes of you.
“For much of my growing-up years, my mother was a single mother. I curse anyone and everyone that sees women like her as ‘less than.’ My husband was, for much of his upbringing, raised by a single mother. I curse anyone that sees women like her as ‘less than.’
“For those that look down upon these beloved ladies, there’s a special place in hell for the likes of you.”
Saludo naman daw si Pokwang sa lahat ng single mothers na tulad niya. Aniya sa kanyang tweet, “Sa lahat ng single mom sa buong mundo,, mabuhay tayong lahat!!! Yahooo…God bless us all!”
Idinaan naman ni Vice Ganda sa biro ang kanyang reaksiyon sa “na-ano lang” statement ni Tito Sen, aniya, “Anung ganap? Bakit parang nagkakaanuhan? Anu na?! May naano ba? Sinong nang aano? Wag kayong ano jan ha!”
Kahit ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez ay apektado sa isyu dahil nag-post din siya ng kanyang mensahe sa pamamagitan ng Twitter.
Aniya, “My respect to all the single mothers who take on the immense responsibility of successfully raising children on their own!”
MOST READ
LATEST STORIES