Liza pipiliting maka-graduate sa college, pangarap naging lawyer

liza soberano at enrique gil

PIPILITIN nina Liza Soberano at Enrique Gil na isingit sa kanilang super busy schedule ang pagbabalik sa pag-aaral.

Kahit sikat na sikat na at kumikita na nang malaki, pangarap pa rin ng LizQuen ang makapagtapos ng college at magkaroon ng diploma. Naniniwala sila na iba pa rin kapag may titulo silang hawak na pwedeng ipagmalaki sa kanilang magiging mga anak.
Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Enrique na gagawin niya ang lahat para maka-graduate. Aniya, “We’re super busy so we’re going to try and mix it up with our crazy schedule.”

Pangarap namang maging abogado ni Liza, kaya kapag daw nakahanap siya ng chance ay mag-aaral siya uli, “What I really want to do is Psychology, I wanted it to be my pre–law.”

Samantala, ibinuking naman ng Kapamilya young actress ang pagiging “shopaholic” ng kanyang ka-loveteam. Anang dalaga, Quen is the craziest shopper on earth. I swear he buys anything he sees.”

Ilan daw sa mga binili ng binata ay mga “dolls”, “Yes, I got Chuckie!” sabi pa ni Quen.

Magsisimula nang mag-taping ang dalawang Kapamilya stars para sa bago nilang serye, pero special appearance lang daw sila rito, “It’s actually called Bagani, we’re only going to be in the pilot week of it.”

Read more...