Anti-KathNiel nakahanap ng butas para itumba si Daniel

DANIEL PADILLA

DANIEL PADILLA

NAKASILIP ng pagkakataon ang mga kalaban ng KathNiel para upak-upakan-pintasan sa social media ang para sa kanila’y wala sa tonong pagkanta ni Daniel Padilla sa nakaraang Bb. Pilipinas beauty pageant.

Ang unang pagpuna ay ang sintunado raw na boses ni DJ, sana raw ay kumuha talaga ang Bb. Pilipinas Charities ng isang magaling na crooner para mag-serenade sa mga kandidata, hindi tulad ni Daniel Padilla na parang ginawa lang na background ang mga naggagandahang kababaihan.

Sa mga nakaraang labanan kasing ganito ay magagaling na singers ang mga kinukuha para haranahin ang mga kandidata, iniikutan ng singer ang mga contestants, hindi gaya ng ginawa ng young actor na basta kumanta lang nang kumanta na parang wala naman siyang pakialam sa mga kalahok sa kanyang likuran.

Malaking prestihiyo kasi para sa Bb. Pilipinas na isang sikat at guwapong aktor ang kinuha nilang serenader, pero ‘yun nga lang, du’n din sila nabutasan dahil hindi nasiyahan ang mga tumututok sa ginawang performance ni Daniel.

“Wala siyang kalatuy-latoy kumanta, para lang siyang nagpa-practice, wala pa sa tono ang pagkanta niya! Sana, isang totoong singer na lang ang kinuha ng Bb. Pilipinas!” halos pare-pareho lang ang bira kay Daniel Padilla sa social media.

Read more...