Sandara, Robi huli sa akto, nag-date sa Korea

SANDARA PARK AT ROBI DOMINGO

SANDARA PARK AT ROBI DOMINGO

NAKAKAALIW ang kuwento ng Pinay fan na nakahuli kina Robi Domingo at Sandara Park na magkasama sa Korea kamakailan lang.

Nu’ng akma raw niyang kukunan ng litratong magkasama ang dalawa ay tumanggi ang host ng I Can Do That.

Nagkahiwalay sina Robi at Gretchen Ho noong nakaraang taon at isa si Sandra sa itinuturong dahilan pero mabilis din itong itinanggi ng Korean star.

Sa nakaraang presscon ng I Can Do That noong Marso 2 ay pinabulaanan din ni Robi ang isyu, wala raw kinalaman si Sandara sa break-up nila ni Gretchen, ang dahilan daw ay ang kawalan niya ng oras dahil nga may bago na naman siyang programa.

Nabanggit pa ni Robi na sayang daw ang offer kung tatanggihan niya dahil gustung-gusto raw niya ang project.

Post ni Harmony Doll Melodi Lee, “My geeeeeeehd! When you suddenly bumped in to sandara park and robi domingo…#Confirmed.”

Gustong niyang kunan ng litrato ang dalawa pero tumanggi nga raw si Robi. Nagtanong naman si Fem Pacio-Balingcos, “As in?! OMG! Ahahha!”

Sagot kaagad ni Harmony Doll, “Oo, wla na lang sagot si robi pa picture mi kay sandara…hahahahaha! #PlayingSafe kau (kaya) cla. Hehehehehe!”

Hmmmm, ano kayang mase-say dito ni Gretchen?

Read more...