Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.5 ang Occidental Mindoro.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol ala-1:20 ng umaga.
Ang sentro nito ay anim na kilometro sa kanluran ng bayan ng Paluan. May lalim itong 41 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Naramdaman ang Intensity I sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro.
MOST READ
LATEST STORIES