TINUGUNAN agad ni Alden Richards at ng GMA Artist Center ang open letter sa Facebook tungkol sa hiling ng isang apo sa kanyang 97 years old na lola na kasalukuyang nasa ospital.
Mula sa isang Ralph Calinisan ang sulat na naglakas loob hoping na makakarating kay Alden ang hiling niya para sa kanyang Lola Catalina L. de Ramos (Nana) na natiyempo ring birthday nu’ng Linggo, Abril 30. Ilang oras bago ang kaarawan, sinugod si Lola Nana sa ospital dahil sa high blood pressure pero bago ‘yon, na-stroke na ito.
Bukod sa pamilya, nagpapasaya rin sa lola ang panonood kay Alden. Kaso nga lang, busted ang TV sa hospital kaya nalungkot si Lola Nana dahil hindi niya mapapanood ang Pambasang Bae. “Ang lupit ng kamandag mo at ni Maine, pare,” saad pa sa sulat.
Hiling ni Ralph, dahil hindi na puwedeng makalakad ang lola, humiling siya kay Alden ng note, photo o bisitahin si Lola Nana na tanging magpapasaya sa kanya.
Dumalaw nga si Alden sa ospital nu’ng Sunday. Tuwang-tuwa si Lola Catalina na niyakap ang iniidolo. Pinag-usapan ang kagandahang-loob ni Alden sa social media. Basta para sa taong nagmamahal sa kanya, naglalaan ng oras ang Pambansang Bae.
Incidentally, isa kami sa nilapitan ng isa naming brothers sa UE College of Law. Mother in law pala siya ng brother naming si Gen. Bobby Calinisan.
Mission accomplished, Alden! Mabuhay ka!