Na-bash naman nang todo si Tim Yap sa naging comment niya tungkol sa mga Bb. Pilipinas candidates na galing mula sa mga probinsya.
Hindi nagustuhan ng mga netizen ang tweet niyang, “Some of the girls don’t look like they come from the provinces they represent. #BbPilipinas2017.”
Reaksyon ng isa niyang follower, wala raw karapatan si Tim Yap na laitin ang mga kandidata mula sa mga probinsya. Hindi naman daw matatanggap sa contest ang mga ito kung hindi dumaan sa audition at proper screening.
Ayon naman sa isang netizen, “Instead of bashing these lovely women, why not talk about how we can empower other women too? Hater much?” Na sinagot naman ni Tim ng, “I’m not bashing them. Just like you, I’m excited to see who among them will shine.”
Binura na ng TV host ang kanyang tweet at sa ending ay nag-sorry din nito sa mga na-offend niya, “I didn’t mean it that way. I am sorry for whoever I offended with my tweet. I think everyone is beautiful no matter where they’re from.”