Army detachment inatake ng NPA: 2 rebelde patay, 5 kawal sugatan

samar

Dalawang rebelde ang napatay at limang kawal ang nasugatan nang salakayin ng mga kasapi ng New People’s Army ang isang detachment ng militar sa San Jose de Buan, Samar, iniulat ng militar.

Sinalakay ng di mabatid na bilang ng rebelde ang detachment ng Civilian Active Auxiliary ng 52nd Infantry Battalion sa Brgy. Hilumot dakong alas-5 ng umaga Sabado, ayon sa ulat ng Army 8th Infantry Division.

Bukod sa dalawang napatay na rebelde, nakarekober din ang mga tropa ng pamahalaan ng isang AK-47 rifle at dalawang handheld radio mula sa NPA, ayon sa ulat.

Dahil sa insidente ay inalerto ang iba pang detachment at maging mga police station para mapigilan ang posibleng pag-atake pa ng NPA.

Read more...