Hindi lang ito pang-alis ng amoy ng iyong refrigerator.
Narito ang iba pang gamit ng baking soda:
- Para maging mabango ang iyong hininga, maghalo ng isang kutsaritang ba-king soda sa kalahating baso ng tubig. Imumog ito sa bibig na parang mouthwash.
- Gumamit ng baking soda bilang toothpaste. Natatanggal nito ang dumi at nagpapaputi ng ngipin.
- Epektibo rin itong panlinis ng pustiso
- Gamot kagat ng insekto. Gumawa ng isang baking soda “cream” sa pamamagitan ng paghalo ng 3 kutsaritang baking soda at 1 kutsaritang tubig. Ilagay itong cream sa apektadong balat.
- Kung mahapdi o makati ang inyong bungang araw, makatutulong ang paglalagay ng baking powder. Paghaluin ang magkasindaming tubig at baking powder at ilagay sa apektadong bahagi ng katawan.
- Sa mga na-sunburn na bata, ibabad sila sa batya ng tubig na may halong baking soda. Imbes na mamahaling burn ointment ang gamitin sa mga paso sa pagluluto o pagpaplantsa, ipahid ang pinaghalong baking soda at suka. Mababawasan nito ang hapdi.
- Kung may singaw sa bibig, maaaring magmumog ng isang basong tubig na hinaluan ng isang kutsaritang baking soda.
- Pantanggal din ng dead skin ang baking soda. Maghalo ng tatlong bahagi ng baking soda sa isang bahagi ng tubig. Ipahid ito sa balat.
- Magaling din na panlinis ng sahig na tiles ang baking soda. Gumamit ng kalahating tasa ng baking soda sa isang timbang tubig.
- Maglagay ng baking soda sa loob ng refrigerator upang matanggal ang hindi kanais-nais na amoy.
MOST READ
LATEST STORIES