BAGOT ka na ba sa kapapanood ng TV sa bahay n’yo na sinimulan mo noong magbakasyon?
O baka naman may muscle na ang daliri mo sa kapipindot sa keyboard at mouse ng computer sa kalalaro habang umuusok sa inis dahil naubos na ang data cap ng inyong internet sa bahay?
Huwag nang pakunutin ang noo at mag-isip na lamang ng ibang mapaglilibangan para hindi ma-bored sa bakasyon.
Laba at Luto
Dahil marami kang spare time, pwede kang tumulong sa mga gawaing bahay.
Mag-aral kang magluto at maglaba para naman matuwa sa iyo sina mommy at daddy.
Ang mga matututuhan mong ito ay magagamit mo rin hanggang sa iyong pagtanda.
Kung marunong ka nang magluto, pwede rin namang mag-aral mag-bake ng cake o magluto ng mga putahe na sa mga restaurant mo lang matitikman.
O di ba, kahit nasa bahay ka lang pwedeng pang-resto ang inyong foods?
Drawing
Marami sa atin ang hindi marunong mag-drawing kaya pwede ka ring kumuha ng short course para matuto kang gumuhit.
Hindi naman limitado lang sa drawing ang pwede mong pag-aralan. Pwede kang kumuha ng course sa pagle-layout, o kung marunong ka nang gumuhit, pwede naman na ang pag-aralan mo ay mag-drawing sa computer at hindi na sa papel.
Ang kaalamang ito ay maaari mong maging edge sa iba pang aplikante kung mag-aaplay ka na ng trabaho.
Magbasa
Kapag may pasok, mahirap maghanap ng oras para mabasa ang paborito mong libro di ba?
Kaya ito na ang panahon para magawa mo ito.
Maraming libro ang nabibili kapag pumapasyal sa bookstore pero pagda-ting sa bahay ay halos hindi mabuksan.
Minsan nga ay ilang buwan nang nabili pero hindi pa naalis man lang ang plastik.
Kung ayaw mong magbasa ng literature, pwede rin naman ang ibang libro para may bago kang matutuhan kahit na bakasyon.
Tinda
Mainit kaya mabili ang pampalamig gaya ng halo-halo.
Pwede kang magtinda ng halo-halo, samalamig o kahit ice-cramble para kumita ng konti ngayong bakasyon.
Hindi gaano kalaki ang puhunan sa ganitong klase ng pagtitinda at hindi mo kailangan ng magandang pwesto. Kahit na sa tapat lang ng bahay ay pwede na.
Bisikleta
Aminin, hindi lahat marunong magbisikleta.
Kaya kung gusto mo, pwede kang lumabas ng bahay ng umaga o kaya hapon para hindi na masyadong mainit para mag-aral mag-bike.
Marami ngayon ay bi-king ang ginagawang ehersisyo at pwede kang maki-join sa kanila.
Mag-ingat lang at baka sumemplang ka. Pag minalas-malas ay peklat ang magiging remembrance mo ngayong bakasyon.
Tumbang Preso
Bukod sa tumbang preso pwede ring maglaro ng patintero o kaya syato.
Ito ay ilan lamang sa mga laro na hindi na nga-yon napagkikita.
Pwede kang magpaturo kay nanay at tatay o kaya ay kay tito at tita para matutuhan ito.
Hindi kasi katulad ngayon, hindi electronic gadget ang pinagkakaaba-lahan nila noon. Kaya mas madalas ay nasa labas sila ng bahay para maglaro, hindi katulad ngayon na ang paglalaro ay pwedeng nakaupo lamang sa loob ng bahay.
Zumba
Galaw-galaw para hindi ma-stroke.
Dahil kapag may pasok ay halos hindi na makapag-ehersisyo, pwede ring gamitin ang bakasyon para matunaw ang naipong taba sa katawan.
Hindi naman kailangan ng hard workout sa gym, pwedeng sumali lang sa mga zumba sessions.
Makibalita sa inyong lugar kung saan mayroong libreng zumba workout. Kadalasan mayroong mga sponsor na siyang nagbabayad sa mga instructor.
Sa San Mateo, sa loob pa ng SM Mall ginagawa ang zumba.
Magtanim
Kung nature tripper ka naman, pwede kang makiisa sa mga organisasyon na nangangalaga sa kalikasan.
Bago magtag-ulan ay pumupunta na sila sa mga kalbong bundok para magtanim ng puno.
Pwede mong ibalik sa kalikasan ang kanyang naitutulong sa iyo sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno.
Hindi lang ang sarili mo ang matutulungan mo sa pagtatanim ng puno.
Marami pang mga bagay na pwedeng gawin ngayong bakasyon, para hindi masayang ang oras mo.
Huwag limitahan ang sarili sa pagpunta sa beach at swimming poll, pwedeng mag-isip ng iba pang pagkakaabalahan na kapaki-pa-kinabang.